Minsan tayo ay nangarap na lang ng kung ano ano.Minsan tumatanaw ng malayo dahil sa pangarap. Minsan nating pinangarap ay inakalang nakamtan na. Minsan maraming pinagdaanan nating pagsubok. Minsan ang puso natin ay nalugmok na sa lungkot at hapdi. Minsan nating naramdaman pero nauulit pa rin. Minsan iniisip natin na may pagkakataon pa ba.Minsan ating nakalimutan na ang hapdi pero bumabalik pa rin paulit ulit nanaman. Minsan ang pangarap noon minsan inakalang nakamit eto naman minsanang pinapangarap pa rin.Minsan nagiisip kung kailan na talaga ang minsan ay maging parati na lang.
Sa katitingin sa malayo at sa paghananap.Di natin natatanaw ang malapit. Ano pa ang makikita sa malapit eh madalas parati na lang nakikita. Pero yon nga parati na lang nakikita.Parati ang pangarap ko di minsanan lang.Kaya ang pagtanaw ko sa malayo ay naging silip sa malapit. Sa isang malapit na sa aking puso noon pa man.Isang minsan ko na ring pinangarap pero natakot. Eto sya parati na lang sa puso ko,pero minsan ko lang isipin na maging parati sa puso ko dahil nahihiya. Nagdadalawang isip dahil sya ang taong ayokong maging minsan lang sa buhay ko pero gusto ko sya na maging parati na lang sa buhay.Kaya hinayaan kong magbigay limot na pangarapin sya at hagkan na sobra.
Pero ang parati ay palaging nandyan,parati nasa puso. Bakit ko pa gagawing minsan. Eto sya doctora ng puso ko. Eto sya di na minsan sa buhay ko. Eto sya parati na sa puso ko bilang pag ibig.Eto sya habang buhay na sa aking puso.Eto ka at eto ako.. parati na lang magmamahalan.
src="http://pagead2.googlesyndication.com/pagead/show_ads.js">